^

PSN Palaro

Ababou, MVP ng UAAP Season 72

-

MANILA, Philippines - Sa loob ng 16 na taon, naihanay na si Dylan Ababou sa mga UST player na namayani sa liga nang parangalan bilang Most Valuable Player nang ungusan si reigning MVP Rabeh Al Hussaini ng Ateneo at Aldrech Ramos ng Far Eastern University.

Ang 22 anyos na si Abbaou ang tanging manlalaro na umiskor ng 10 points sa loob ng 14 niyang laban, na lumutang bilang league’s scoring leader pagkatapos ng double round elims na may 18.9 average na nagtala ng kanyang 30 points season high. Nakapaglimbag rin ito ng 7.1 rebounds, 2.2 assists at steal para palakasin ang kampanya ng Tigers.

Isa na ngayon si Abbaou sa mga ipinagmamalaking MVP ng UST na sina Danny Espino (1993-1994), Chris Cantojos (1995) at Jervy Cruz (2007).

Samantala, tinanghal na kampeon ang host FEU sa cheer-dance competition na ginanap sa Big Dome.

Pumangalawa naman ang Ateneo at ikatlo ang defending champion University of the Philippines.

Sa saliw ng classical music na nababagay sa kanilang performance, na siyang tema ng Season 72, naglista ang Tamaraws cheerdancers ng 86.1 percent upang makopo ang P225,000 top prize.

Sa pagwawakas ng women’s basketball eliminations kahapon sa Filoil Flying V Arena ay inangkin ng FEU ang top seed sa ‘Final Four’ makaraang malusutan ang Adamson, 52-51, para sa 13-1 kartada.

Nalaglag ang Lady Falcons sa 11-3 kartada na siyang dahilan upang maiselyo ang playoff para sa huling ‘twice-to-beat’ bonus sa semifinals laban sa La Salle, nagtala ng 73-67 tagumpay laban sa UST. (Sarie Nerine Francisco).

ABBAOU

ALDRECH RAMOS

ATENEO

BIG DOME

CHRIS CANTOJOS

DANNY ESPINO

DYLAN ABABOU

FAR EASTERN UNIVERSITY

FILOIL FLYING V ARENA

FINAL FOUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with