Crocs Prepair To Run tatakbo na

MANILA, Philippines - May 2,000 runners, club members, weekend runners at kabataan ang kalahok sa Crocs Prepair To Run sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City.

Huling araw ng registration ngayon sa lahat ng Crocs concept stores sa Bonifacio High Street, SM MOA, SM Megamall, Promenade, Greenhills, Gateway, Cubao, Alabang Town Center, Greenbelt 5 at Trinoma.

May kabuuang premyong P50,000 ang nakataya sa event, na may kompetisyon sa 3k, 5k at 10k categories. Ang mananalo sa ibat ibang divisions ay tatanggap ng Rudy Project Sunglasses at ang Crocs, Inc. at Toby’s Sports ay magpaparaffle ng gift certificates.

May Samsung LCD TV at freebies ang ipamimigay sa fun run, na sponsored ng Crocs, Inc., kung saan ang All Condition Gear Philippines, Inc. (ACGPI).

Ang mga miyembro ng national track and field team ay inimbitahang sumali sa event, na sanctioned ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) at suportado ng Summit, 100+, Alaska, Rudy Project, The Philippine STAR, Philstar.com, Action & Fitness Sports Magazine at Rogue Magazine.

Show comments