Milo Little Olympics dadako sa Pangasinan at Cagayan de Oro
MANILA, Philippines - Matapos ang matagumpay na opening noong nakaraang Linggo sa Manila at Cebu, dadako naman ang aksiyon sa Pangasinan at Cagayan de Oro sa pagsabak ng mga batang atleta para sa Milo Little Olympics na gaganapin simula ngayon, Sept. 11 hanggang Sept. 13.
Inaasahang dadagsa ang may 5,000 student athletes sa Don Gregorio Pelaez Sports Center sa Cagayan de Oro habang may 4,000 ang tutungo sa Don Narciso Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen, Pangasinan sa loob ng tatlong araw na kompetisyon na tatampukan ng athletics, badminton, chess, football, gymnastics, lawn tennis, swimming, sepak takraw, table tennis, taekwondo at volleyball.
Nananatili ang seryosong commitment ng Milo Little Olympics upang makatuklas ng mga kampeon sa hinaharap.
At isang pruweba nito ang kauna-unahang pagtatanghal ng National Milo Little Olympics sa Oktubre 23-25 sa Cebu City.
Nasa ika-22nd edisyon na, ang Milo Little Olympics ay isang pagsisikap ng Milo na makapagbuo ng kampeon sa larangan ng palakasan at sa kanilang buhay. Noong nakaraang taon, mahigit sa 22,000 students athletes mula sa may 800 schools ang lumahok sa event na tinampukan ng 11 sports events na nagturo sa mga kabataan hindi lamang ng sports excellence kundi pati na rin ng character-forming values tulad ng disiplina, determinasyon at honesty na tutulong sa kanila na maging isang mabuting indibiduwal.
- Latest
- Trending