Kambal na Go ng DPS wagi sa AAPS
MANILA, Philippines - Kung ang bansang Hungary ay may Polgar sisters (Zsuzsa, Sofia at Judit) na naging tanyag sa buong mundo sa paglalaro ng chess, ang Diliman Preparatory School (DPS) ay masuwerte sa pagkakaroon ng magkapatid na kambal na sina Keith Stephanie Go at Patricia Stephanie Go na kapwa nanalo kamakailan sa Athletic Association of Private Schools (AAPS) Inter-School District III – Quezon City Chess Meet.
Nagtapos ng anim at limang puntos sina Keith at Patricia upang tanghaling 1st at 2nd place sa naturang chess competition na nilahukan din ng mga manlalaro mula sa Saint Pedro Poveda College, Stella Maris College at St. Therese of the Child Jesus.
Dahil sa panalo, sina Keith (2nd Year – Kalinga) at Patricia (2ndYear – Tausug) ay makakalahok sa AAPS Unit V – Quezon City Chess Meet -- Secondary Girls na gaganapin sa Oktubre.
Ang Diliman Preparatory School (DPS) Varsity Chess Team ay sinusubaybayan ni National Master (NM) / International Arbiter (IA) Erwin L. Carag na siyang head chess coach at Raymond V. Salvio, assistant chess coach. Ang sports program ng Diliman Preparatory School (DPS) ay pinamumunuan ng school President Senator Ana “Nikki” Coseteng.
- Latest
- Trending