^

PSN Palaro

Crocs run para sa benepisyo ng Smokey Mountain kids

-

MANILA, Philippines - Handa na ang lahat sa Crocs Prepair To Run sa Linggo sa SM Mall of Asia grounds na hindi lamang karera kundi isa ring fund-raiser para sa kabataan ng Smokey Mountain.

Ayon sa sponsor na Crocs, Inc., kasama ang All Condition Gear Philippines, Inc. (ACGPI), ang exclusive distributor ng Crocs-tm sa bansa, na bahagi ng kikitain sa karera ay mapupunta sa WE International Philippines, isang organisasyon na nagbibigay ng medical, educational at iba pang assistance sa kabataan ng Smokey Mountain.

Ang WEIP na isang non-government-organization ay lumilikha rin ng awareness at paraan para makatugon sa kahirapan sa bansa at makatulong sa economic development sa pamamagitan ng education projects, micro lending, at business development services.

May premyong P50,000 sa event na inaasahang lalahukan ng tinatayang 2000 runners sa 3k, 5k at 10k races. Ang registration ay tinatanggap pa sa iba’t ibang Crocs concept stores sa Bonifacio High Street, SM MOA, SM Megamall, Promenade, Greenhills, Gateway, Cubao, Alabang Town Center, Greenbelt 5 at Trinoma.

May libreng almusal din sa mga participants pagkatapos ng karera na sponsored ng Alaska kasama ang Rogue and Action & Fitness magazines at finisher T-shirt. Bibigyan ng Rudy Project Sunglasses ang mga mananalo at discount vouchers sa lahat ng runners. Magpaparaffle naman ang Toby’s Sports ng gift certificates.

May Samsung LCD TV, Crocs gift certificates at freebies ang nakataya rin sa fun run, na suportado ng Summit, 100+ , Alaska, Rudy Project, Solar Sports, The Philippine STAR, Philstar.com, Action & Fitness Sports Magazine at Rogue Magazine.

vuukle comment

ALABANG TOWN CENTER

ALL CONDITION GEAR PHILIPPINES

BONIFACIO HIGH STREET

CROCS PREPAIR TO RUN

FITNESS SPORTS MAGAZINE

INTERNATIONAL PHILIPPINES

MALL OF ASIA

MAY SAMSUNG

ROGUE AND ACTION

SMOKEY MOUNTAIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with