MANILA, Philippines - Naligtasan ni Yang Ching-shun ang pagba-ngon ni Dennis Orcollo upang itakas ang 50-45 panalo sa Face Off Series 2-One More Time noong Miyerkules ng gabi sa bagong Club Capo Exclusive sa Tomas Morato Avenue sa Quezon City.
Naglaho ang 25-19 lead ni Yang sa opening day nang magpamalas ng impresibong laro si Orcollo at lumamang ng limang racks .
Ngunit napanatili ng Taiwanese ang kanyang composure at sa konting su-werte aksidenteng pumasok ang money-ball matapos magmintis sa pinupuntirang bola at nakuha nito ang pamumuno tungo sa pagkopo ng $10,000 premyo.
“Luck played a part in my victory. Dennis is a very tough opponent and I really had a hard time beating him,” ani Yang, kilala sa Chinese-Taipei bilang ‘Son of Pool.’ “I hope to play with him again as it’s really exciting going up against one of the world’s best cue artists.”
Pagkatapos nito, su-sunod na itatanghal ang blockbuster match sa pagitan nina pool icon Efren “Bata” Reyes kontra sa kapwa niya Asian pool legend na si Chao Fong-pang sa October 28 at 29.
Ang ikalawang edisyon ng Philippines vs the World ay bahagi ng Face Off Series na ito.