MANILA, Philippines - Kapwa mainit ang mga mata sa Final Four, magtatagisan ng galing ang last year’s runner up Jose Rizal at Letran sa tampok na laro ng 85th NCAA basketball tournament sa The Arena, San Juan City.
Nais makahanay ang San Sebastian (13-0) at San Beda (13-1), aasintahin ng JRU (12-2) ang ikatlong pwesto sa Final Four na bumuwelta sa pagkatalong natamo noong nakaraang season habang matatag pa rin ang sandigan, ilalapit ng Letran ang sarili para mapalawig ang tsansa sa titulo.
Kung sakaling mananalo ang Jose Rizal at uusad sa Final Four ito na ang ikaapat na sunod na susugal ang koponan para kampeonato.
Sa kabilang banda, pupuwersahin ng Knights na mapag-igi ang laro para isulong ang isang panalong kinakailangan nito para uma-bante sa post season.
Subalit ang pagkatalo ng grupo ang magbibigay ng pag-asa sa Arellano para ilusot ang tropa sa pamamagitan ng come from behind.
Dahil dito, isang mala-king salpukan ang inaasahan nina Jose Rizal coach Ariel Vanguardia at Letran mentor Louie Alas.
“Letran is always a good barometer on how we’ve progressed as a team, they play consistent basketball on both ends that its always a battle when we face them,” ani Vanguardia.
Ngunit mayroon ring kabog sa dibdib ang tropa ni Alas na nagpahayag na, “It’s always difficult playing Jose Rizal because they’re not only bigger, they also play really tough defense,”
Sa unang pagtatagpo ng dalawang koponan, isang pukpukang laban ang namagitan kung saan nanaig ang bomba ng Jose Rizal sa labang nagtapos sa 69-66.
Tumipa ng 21 points, 11 rebounds at steals, dito maagang nagpasabog ang MVP candidate na si John Wilson para durugin ang Letran.
Pinid ang kakayahan, bumulsa lamang ng 15 at 9 points ang mga beteranong Smart Gilas Pilipinas na sina RJ Jazul at Rey Guevarra na posibleng naging sanhi ng panghihina ng Knights.
Gayunpaman, umahon ang dalawa nang kumolekta ito ng tig 26 points para sa 100-83 panalo kontra Angeles University noong Lunes para ungusan ang Arellano U na kasaluku-yang nakadestino sa No. 5 slot.
Ngunit hangad pa rin ni Alas na lalong mapaigting ang depensa ng tropa.
“If we play in that le-vel we have no chance against the top three teams. We have to limit them by not more than 72 points if we want to have a strong chance of beating them,” aniya.
Sa iba pang laro, maghaharap sa pang-alas dos na bakbakan ang Perpetual Help (3-10) at Mapua (1-12). (Sarie Nerine Francisco)