^

PSN Palaro

RP shuttlers nagningning sa 4 na international meet

-

MANILA, Philippines - Nagpamalas ng kahusayan ang national youth badminton team at ang kanilang junior counterparts sa international tournament kamakailan kabilang na ang gold at silver na sinungkit sa Australia at 3 bronze na tinapos sa Sri Lanka, Japan at Korea.

Tinalo nina Malvinne Alcala, Gelita Castilo, Janelle De Vera at Dia Magno ang kalabang Indian, 2-1 sa quarterfinals ngunit yumuko naman sa Malaysia, 1-2 sa semis para sa bronze medal sa Badminton Asia Youth Under-16 sa Colombo, Sri Lanka noong nakaraang buwan.

Ang iba pang sumabak sa aksiyon sa Sri Lanka meet ay sina Kenneth Monterubio, Elijah Boac, Paul Co, Carlos Cayanan, Gerald Sibayan at Lance Bautista.

“What our players need is sustained campaign abroad. We have the materials but unfortunately, we don’t have much resources to fund these international campaigns,” pahayag ni Philippine Badminton Association president at dating First Lady Amelita 'Ming' Ramos.

Ngunit sa suporta mula kina PBA executive vice president Gen. (Ret.) Edgar Aglipay, PBA sec-gen PSupt. George Piano, coach Allan de Leon at mga backers Victor Pcome, Alex Villamanca, Conrado Co at Francis Cua, patuloy na nagniningning ang RP badminton dito sa bansa at maging sa ibang bansa.

Naghost ng isang luncheon meeting noong nakaraang Martes si Ramos upang parangalan din ang miyembro ng national at junior teams sa kanilang naging performance. Kabilang na dito ang gold medal feat sa Arafura Games sa Australia noong Mayo, nina Ralph Ian Mendez at Arolas Amahit Jr., na dinurog sina F. Kaddour at M. Desaymoz ng India, 21-14, 21-12 sa men’s doubles.

Sa Korea, nakopo naman ng girls doubles pair nina Marina Caculitan at Joella Geva De Vera ang bronze nang gapiin nila ang local bets mula sa Incheon City sa 16th Woncheon Cup Preliminary School Badminton Championships sa Seongam Culture and Sports Complex sa Cheonan City.

At sa Japan, pinayuko ng Team RP ang Hong Kong, 3-1,para isubi ang bronze medal sa Asia Junior Sports 2009 sa Komazara Olympic gymnasium sa Tokyo.

ALEX VILLAMANCA

ARAFURA GAMES

AROLAS AMAHIT JR.

ASIA JUNIOR SPORTS

BADMINTON ASIA YOUTH UNDER

CARLOS CAYANAN

CHEONAN CITY

CONRADO CO

DIA MAGNO

SRI LANKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with