^

PSN Palaro

Stags matatag na sa Final Four: Letran kumapit

-

MANILA, Philippines - Sumandal ang San Sebastian sa eksplosibong pagsisikap ni Jimbo Aquino nang durugin ng Stags ang Mapua, 101-65 upang masungkit ang unang Final Four berth sa 85th NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Nag-init ang mga kamay ni Aquino nang tumirada ito ng 30 puntos na tinampukan ng apat na tres para sa ika-13th panalong Stags, isang pananalasa na tumabon sa 12 sunod ng San Sebastian noong 1997 patungo sa pagsungkit nila sa five-peat na tagumpay.

Bunga ng panalong ito, umusad din papalapit sa posibleng sweep na maaring magdederetso sa kanila sa best-of-three finale.

Sa inisyal na laban, kapit-tuko sa pang-apat na puwesto, binaon ng Letran ang guest team na Angeles U Foundation sa pamumuno ng beteranong pares nina RJ Jazul at Rey Guevarra sa pamamagitan ng 100-83.

Kapwa nabihasa sa Smart Gilas Pilipinas, kumamada ng 6 na tres sina Jazul at Guevarra upang maglimbag ng tig-26 points para ibigay ang ikasampung panalo ng Knights. at patatagin ang kapit sa No. 4.

Samantala, para sa aksiyon sa juniors division, binanatan ng Letran ang namulubing AUF, 153-32 para ibandera ang 14-0 perpektong baraha habang sumusunod sa yapak, pinatumba ng four peat titlist San Sebastian ang Mapua, 89-61 para pagandahin ang 10-4 kartada.

Nabura ang makasaysayang 15 triples ng Cardinals, nang maglista ang Squires ng 16 na tinampukan ng midcourt buzzer beater ni Patrick Ang. (Sarie Nerine Francisco)

ANGELES U FOUNDATION

FINAL FOUR

JAZUL

JIMBO AQUINO

LETRAN

MAPUA

PATRICK ANG

REY GUEVARRA

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with