^

PSN Palaro

Malinis na marka puntirya ng Stags

-

MANILA, Philippines - Wag mabahiran ng kahit katiting na dungis ang puntirya ng nangungunang San Sebastian sa pakikipagsagupa nito sa Mapua sa pagpapatuloy ng 85th NCAA basketball tournament sa The Arena, San Juan City.

Nang iposte ang 12th straight victory, buong pwersa na nilibing ng Stags ang guest team na Emilio Aguinaldo Generals, 109-63 kamakailan, at ang target na tagumpay sa pang alas kuwatrong duelo laban sa Cardinals ang magbibigay ng tabladong record sa Mendiola based school makaraang limasin ang panalo noong 1997.

Bagamat malayo ang pagitan sa standing, sisiguruhin ng San Sebastian na hindi na muling mauulit ang nakakapangambang laban na dinulot sa kanila ng Cardinals kung saan muntikan na silang matalo, 74-77.

Determinadong manatili sa tuktok, iseselyo ng Baste ang una nitong Final Four appearance makalipas ang apat na season, gayundin, pipilitin nilang maiuwi ang twice to beat advantage at ang napipintong paglimbag ng makasaysayang marka na sweep sa elimination round.

Samantala, solidong suporta ng buong tropa ang magiging susi sa pananaig ng Letran kontra sa Angeles U na napatalsik na dahil sa 1-11 rekord. 

Buhat sa panalo, nais ng Knights na masundan ang pagmasaker na ginawa nila sa St. Benilde Blazers, 69-54 na naglagay sa kanila sa ikaapat na pwesto.

Muling aasahan, tinatayang mas bubulusok si Smart Pilipinas veteran Rey Guevarra makaraang maglista ng 22 points sa bakbakan ngayon.

Tiwala sa kakayahan ni Guevarra si Letran coach Louie Alas sa magiging performance nito. (Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

ANGELES U

EMILIO AGUINALDO GENERALS

FINAL FOUR

LETRAN

LOUIE ALAS

REY GUEVARRA

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

SARIE NERINE FRANCISCO

SMART PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with