^

PSN Palaro

PBA walang kinalaman kay Japeth

GAME NA! - Bill Velasco -

Walang kinalaman ang PBA sa kaso ni Japeth Aguilar, dahil wala pa namang pormal na kasunduan o di-pagkakaunawaan na kailangang pasukin ng liga.

Ito ang sinabi ni PBA Commissioner Sonny Barrios sa isang panayam sa programang “Hardball” ng ABS-CBN News Channel nong Biyernes.

“We only come in when there has been a formal signed document between the team and player, or if there is a disagreement that is brought to us for us to help resolve,” paliwanag ni Barrios. “So in the case of Japeth Aguilar, we really aren’t involved yet.”

Naging maingay ang kaso ng dating Ateneo Blue Eagle nang mahirang siyang number one draft pick sa nakaraang PBA Rookie Draft, at magbago ang isip tungkol sa paglalaro para sa Burger King, na pumili sa kanya.

Nagkataong ang bagong chairman ng PBA ay si G. Lito Alvarez, na siya ring team owner ng Burger King.

“Napag-usapan na namin ni Mr. Alvarez na huwag munang maglabas ng pahayag tungkol sa issue ni Japeth,” dagdag ni Barrios. “Mahaba pa namang usapin ito, at nasa Amerika siya, kaya palalamigin muna namin ang isyu,”

Hindi pa naman pinal ang deadline para isumite ang mga line-up ng player sa PBA. Hanggang bago sila maglaro, maaari pang baguhin ang talaan ng manlalaro. Ang ibig sabihin nito ay, kung muling magbago ang isip ni Aguilar, makakalaro pa siya sa Burger King kung magpirmahan ng kontrata. At wala namang hidwaan sa pagitan ng PBA at Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Kaakibat nito, maaaring maglaro si Aguilar sa Smart Gilas, na papasok sa PBA bilang guest team sa susunod na conference. Hindi mabibi-lang ang mga laro ng Smart Gilas, dahil guest team lamang sila at hanggang elimination round lamang ang kanilang lalaruin. Subalit mabibilang ang mga laro sa double-round eliminations kontra sa mga PBA teams.

“Gusto talaga naming tumulong sa national team,” pagpapatuloy ni Barrios. “Sa nakaraan, napapaki-usapan naman kami. Pero responsibilidad ng NSA (National Sports Association) yun, hindi sa amin. May programa na ang SBP, kaya hindi naman kami pwedeng magprisinta.”

Mahaba ang susunod na All-Filipino Conference ng PBA, lalo na’t madadagdag ang SMART-Gilas, tig-20 laro ang nasa kalendaryo ng bawat team. Maraming team ang nagpapalakas, kaya’t dapat lamang abangan.

AGUILAR

ALL-FILIPINO CONFERENCE

ATENEO BLUE EAGLE

BURGER KING

COMMISSIONER SONNY BARRIOS

JAPETH AGUILAR

LITO ALVAREZ

MAHABA

PBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with