MANILA, Philippines - Opisyal na magbubukas ang pagpapalista sa First Quezon City International Marathon sa Setyembre 11 na tinatayang aabot sa 10,000 ang sasali sa apat na kategoryang karera. Ang QCIM na tatakbo sa Oktubre 18 na bahagi ng ika-70th founding anniversary ng Quezon City ay tatampukan ng 42.195km full marathon. Ang iba pang katego-r-ya ay 5K,10K at 21Km.
May naghihintay na prem-yong nasa kabuuang P3M ang ipamimigay sa magkakampeon at runner-ups sa lahat ng apat na race distance. Magbibigay din ng finishers medal sa 21K at 42K runners.
Ang mga runners ay maaa-ring magparehistro sa mga tindahan ng Timex sa SM branch sa North EDSA, Megamall, Southmall at Mall of Asia, Greenbelt 3, Makati at sa Cebu. Ang iba pang registration center ay sa Nike Park, Bonifacio High Street, Taguig City, at Second Wind, Teachers Village, Diliman Quezon City.
Bukas din ang online registration sa QCIM@finishline.ph at www.runnex.org/qcim2009, isang website na inilagay para sa QCIM ng race manager, Executive Runners Club of the Philippines (Runnex). Ang registration fees ay P300 sa 5-K at 10-K runs, at P500 at P650, para naman sa 21-K at full 42-K marathon na may kasamang race kit ina kinapapalooban ng singlet, race chip at champion chip instruction flyers.