^

PSN Palaro

Poland pair makakalaban nina Orcollo at Alcano

-

MANILA, Philippines - Humatak ng panalo, pinagkaisahan nina Radoslaw Babica at Mateuz Sniegocki ng Poland ang malakas na tambalan ng Taiwan na sina Yang Ching-shun at Lai Chia-hsiung, 8-5 kahapon para luminya sa quarterfinal showdown na makakaharap nina Dennis Orcollo at Ronnie Alcano sa pagpapatuloy ng PartyCasino.net World Cup of Pool sa The Annex ng SM North Edsa Mall.

Nagsalang ng mainam na table management, nasundan ng Poland ang 8-0 laban na pumupuntiryang humakbang sa Final 8 at makasama ang early qualifiers na kinabibilangan ng RP-B, United States, China at Germany.

Sa kabilang banda, sumargo para sa tagumpay sina Li He-wen at Fu Jian-bo ng Tsina nang daigin ang Finnish masters Markus Juva at Mika Immonen, 8-3 para tumuloy sa quarters.

Mistulang ‘déjà vu’, inulit ng Chinese pair ang rematch sa Finnish na unang naganap noong 2007 World Cup tilte na nagdala sa kanila sa Final 8 laban sa defending champion pair ni Rodney Morris at Shane van Boening ng United States, kabilang ang tampok na pambato ng Germany na sina Ralf Souquet at Thorsten Hohmann na tumalo sa France, 8-4.

Naging kontrobersyal muli ang no-call ni referee Cielo Lopez sa sagupaang nagpakaba sa one crucial play sa eight rack ng China at Finland match.

Si Lopez rin ang siyang nagbigay ng kontrobersyal na foul sa Italy na tumulong sa RP-B duo nina Efren ‘Bata Reyes at Django Bustamante para umusad sa quarters. (SNFrancisco)

BATA REYES

CIELO LOPEZ

DENNIS ORCOLLO

DJANGO BUSTAMANTE

FU JIAN

LAI CHIA

LI HE

MARKUS JUVA

MATEUZ SNIEGOCKI

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with