Williams,Nadal wagi; Safin talsik na
NEW YORK--Umusad si Venus Williams. Nagbalik naman si Rafael Nadal habang namaalam naman si Marat Safin sa US Open noong Miyerkules.
Balot na balot ang kaliwang tuhod, tinalo ni Williams ang kababayang si Bethanie Mattek-Sands, 6-4, 6-2, sa mas magaan na laban.
Ang No. 3 naman na si Nadal, na namamaga ang tuhod na naging sanhi ng pagkawala niya sa Wimbledon, ay bumalik sa Grand Slam sa pamamagitan ng 6-2, 6-2, 6-3 panalo kay Richard Gasquet habang si Safin, isa pang dating world No. 1 isinara ang kanyang Grand Slam career nang yumuko ito kay Jurgen Melzer ng Austria, 1-6, 6-4, 6-3, 6-4.
Isinuko ni Nadal ang top ranking kay Roger Federer, na kumakampanya sa ikaanim na sunod na US Open title--ang ikatlong Grand Slam sa taong ito--ay lumago sa pamamagitan ng 6-3, 7-5, 7-5 panalo kay Simon Greul ng Germany.
Ang susunod na makakalaban ni Federer ay si Llyeton Hewitt ng Austrialia, na tinalo naman si Juan Ignacio Chelan ng Argentina, 6-3, 6-3, 6-4.
Napatalsik na din sa torneo si two-time champion Amelie Maursemo na pinayuko ni Aleksandra Wozniak ng Canada, 6-4, 6-0.
Nanaig naman si Kim Clijster, na nagbabalik sa US Open matapos ang mahabang bakasyon, kay 14th seed Marion Bartoli ng France, 5-7, 6-1, 6-2.
Ang iba pang seeded players na nanalo ay sina No. 6 Juan Martin del Potrso, No. 13 Gael Monfils, No. 18 David Ferrer at No. 24 Juan Carlos Ferrero sa men’s, habang sa women’s naman ay sina No. 7 Vera Zvonareva, No. 8 Victoria Azarenka, No. 18 Li Na, No. 32 Daniela Hantochova at No. 26 Francesca Schiavone.
Nanaig din si No. 1 Flavia Penneta kay Sania Mirza ng India, 6-0, 6-0.
- Latest
- Trending