^

PSN Palaro

Green Archers nabuhayan ng pag-asa sa F4

-

MANILA, Philippines - Para ilihis sa kahihiyan ang De La Salle University, nagpakiatng gilas ang beteranong si James Mangahas para bitbitin ang pag-asa ng koponan sa Final Four sa pamamagitan ng 68-64 panalo sa pagpapatuloy ng 72nd UAAP seniors basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Bumalikwas para maging sandata ng Green Archers, kumolekta ng 15 points si Mangahas upang magsalpak ng importanteng puntos na nagbigay ng go ahead triple upang basagin ang 64-64 marka, at pumabor sa DLSU.

Sinubukang humirit, naharangan agad ni Green Archer Kish co ang pagtatangkang lay-up ni Dylan Ababou.

Winakasan ng La Salle ang laban ng tumipa si Hyram Bagatsing buhat sa foul na dulot ni Ababou na nagbigay ng kalamalagan sa huling 10.4 segundo.

Winasak ang sumpa ng five game losing skid, pumanhik sa 5-7 marka ang La Salle para hilahin pababa ang UST na mayroong 6-6 panalo-talo record na siyang sumipa sa 19 points at 6 rebounds ni Abaou at 12 points, 12 boards na produksyon ni Khasim Mirza.

Para sa inisyal na laro, nailathala ng University of the East ang ikatlong pwesto sa Final Four nang pataubin ang University of the Philippines, 81-72.

Bumulusok sa opensa, hindi na nagpapigil sa pag-arangkada nina Paul Lee at Elmer Espiritu na sumupil sa kalibre ng Fighting Maroons.

 Kasalukuyang nalagak sa sa 8-4 marka ang UE na magsusulong sa twice to beat bid sa Final Four. (Sarie Nerine Francisco)

ARANETA COLISEUM

DE LA SALLE UNIVERSITY

DYLAN ABABOU

ELMER ESPIRITU

FIGHTING MAROONS

FINAL FOUR

GREEN ARCHER KISH

GREEN ARCHERS

HYRAM BAGATSING

LA SALLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with