Sharapova nagparamdam
MANILA, Philippines - Matapos ang isang taon na hindi sumali sa US Open bunga ng shoulder injury, nagbalik sa eksena si dating champion Maria Sharapova sa pamamagitan ng impresibong 6-3, 6-0 panalo kay Tsvetna Pironkova ng Bulgaria.
Ilang oras bago lasapin ng kababayang si Dinara Safina, ang kauna-unahang No. 1 seeded, na lumasap ng kabiguan sa unang round pa lamang ng major tournament na ito, nagparamdam naman si 2006 champion Sharapova ng kanyang malakas na pagbabalik.
Napatalsik din sa unang round ang dating No. 1 na si Ana Ivanovic, pang-11th sa torneo, ni 52nd rank Kateryna Bondarenko ng Ukraine.
Ang unang araw ay tinampukan ng mga upsets, tinalo ni 27th rank Jesse Witten ng US si No. 29 Igor Andreev ng Russia, 6-4, 6-0, 6-2; tinalo ni Yanina Wickmayer ng Belgium si No. 16 Virginie Razzano ng France, 6-4, 6-3 at ginapi ni Shahar Peer ng Israel si No. 32 Agnes Szavay ng Hungary, 6-2, 6-2.
Ang iba namang nanalo ay sina 2004 US Open champion Svetlana Kuznetsova ng Russia, Elena Dementieva ng Russia, Serbian Jelena Jankovic, No. 9 Caroline Wozniacki ng Denmark at Russian No. 13 Nadia Petrova.
Ang mga nagwagi naman sa lalaki ay sina 2nd pick Andy Murray ng Britain, 2008 Australian Open champion Novak Djokovic ng Serbia, Jo-Wilfred Tsonga ng France, Spanish No. 10 Fernando Verdasco, No. 11 Thomas Berdych at No. 32 Sam Querrey ng US.
- Latest
- Trending