MANILA, Philippines - Tiyak na masisiyahan ang mga tagasubaybay matapos ihayag ng Saved by the Bell Promotion na mapapanood ‘‘live’’ sa Estados Unidos, Canada at iba pang bansa ang nalalapit na Duelo del Guapos: Bakbakan sa Perlas ng Silangan nina Drian ‘‘Gintong’’ Kamao at Roberto ‘‘La Arana’’ Vasquez sa Oktubre 3 sa Astrodome sa Pasay City.
Sinabi ni Elmer Anuran, pangulo ng Saved by the Bell Promotion, na ang bakbakan nina Francisco at Vasquez para sa World Boxing Association superflyweight international championship ay ipapalabas ng Solar Entertainment Corporation ‘‘live’’ sa iba’t-ibang bansa.
Kabilang rin ang mga bansa sa South America lalo na ang Panama na kung saan ay isinilang si Vasquez na dating two-time world champion.
‘‘Also included are Hawaii, Australia, Colombia and other parts of the world where boxing is a passion,’’wika ni Anuran. ‘‘I wish to thank Solar Entertainment Chief Operating Officer Peter Changliong for this joint venture.’’
Dahil dito, pinaliwanag ni Anuran na sisimulan ang bakbakan sa alas-9 ng umaga sa Astrodome.
Tiniyak ni Anuran hindi lamang ang laban nina Francisco ang magiging kapana-panabik, kundi ang mga supporting bout. Kilala ang Saved by the Bell sa mga pagbibigay ng atensyon sa mga Pilipinong boksingero mula sa grassroots.
Sasagupain ni Michael Fareñas (26-2-2- win-loss-draw) si Korean Jong Ang Baek (11-2) sa main supporting bout. Nais ni Farenas na kunin ang World Professional Boxing Federation featherweight title.
Magiging matindi rin ang palitan ng suntok nina lightweight Al Sabaupan at Mexican Josafat ‘‘Leoncito’’ Perez sa isa pang supporting bout. Kasama ni Sabaupan si Francisco na nagsasanay sa Touch Gloves Boxing Gym sa Agoncillo, Batangas.
Kabilang sa Duelo del Guapos ang mga laban nina light-flyweight Milan Melindo kontra sa isa pang Mehikano; Lolito Sonsona vs. Ryan Makiputin (106 lbs, 10 rounds); Joe Galamiton vs. Jessie Albaracin (113 lbs.,8 rds); Jay Soimiano vs Dennis Padua (138 lbs, 8 rds); RJ Dolorosa vs. Samuel Apuya (112 lbs, 8 rds.); Mark Vito vs. Jeffrey Cerna (112 lbs, 6 rds); Ronelle Esparas vs Randy Migreno (130 lbs, 6 rds); Rey Perez vs. Jay Palido (115 lbs, 6 rds); at Dennis Tubieron vs. Ryan Soliveres (116 lbs, 4 rds).
Sasabak rin sina Lloyd Francisco at Ronnell Ferreras kontra sa mga hindi na kilalang katunggali.