Crocs Prepair To Run tatakbo sa Setyembre 13

MANILA, Philippines - Inaasahang may 2,000 ang lalahok sa pagtatanghal ng Crocs Prepair To Run na magsisimula sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City sa Setyembre 13 na magbibigay ng premyong P50,000 at pabolosong raffle items tulad ng Samsung LCD.

Patuloy na tinatanggap ang pagpapalista sa event na ito na isinaayos ng Crocs, Inc., kasama ang All Condition Gear Philippines, Inc. (ACGPI), ang exclusive distributor ng crocstm sa bansa, na tatampukan ng kompetisyon sa 3k, 5k at 10k categories para sa mga race enthusiasts, running club members at weekend runners.

 Ang pagpapalista ay tinatanggap sa iba’t ibang Crocs concept stores sa Bonifacio High Street, SM MOA, SM Megamall, Promenade, Greenhills, Gateway, Cubao, Alabang Town Center, Greenbelt 5 at Trinoma.

Ang buyer ng pares ng Crocs ay may libreng entry sa event na nais ipromote ang physcial fitness at malusog na pamumuhay sa mga kabataan at matanda upang masubok ang lakas at katatagan ng bawat partsipante.

 Hinihikayat ng Crocs brand ang mga Filipino na suportahan ang running bilang sports kasama ang Crocs Prepair™ Collection, na idinisenyo para mabawasan ang muscle fatigue at maibsan ang muscle strain at tensiyon ng musculoskeletal system.

May pa-raffle din na Samsung LCD TV, Crocs gift certificatessa fun run, na suportado din ng Summit, 100+, Alaska, Rudy Project, Solar Sports, The Philippine STAR, Philstar.com, Action & Fitness Sports Magazine and Rogue Magazine.

Show comments