MANILA, Philippines - Ang isipin lang na makasama sa iisang playing court sina Kareem Abdul-Jabar, Dominique Wilkins at Robert Horry ay sapat na para kiligin ang mga PBA players.
Kahit tapos na ang peak nina Kareem at mga kasama, balewala ito.
Nananabik pa rin sina Dondon Hontiveros, Joseph Yeo at dating league Most Valuable Player (MVP) Kenneth Duremdes sa makadaop-palad ag mga dating NBA Legends at makalaro sa NBA Asia Challenge sa susunod na Linggo.
Bukod kina Jabbar, Horry, at Wilkins makakasama din sa NBA side sina Tim Hardaway at Vlade Divac, na susuportahan ng mga players mula sa NBA Developmental League.
Sa local side naman, bukod kina Duremdes, Yeo, Hontiveros kasama din sina four-time MVP Alvin Patri-monio, Benjie Paras, Allan Caidic, Ronnie Magsanoc at active players Arwind Santos, Willie Miller, Wynne Arboleda, Enrico Villanueva, Sonny Thoss, Jay-R Reyes at Marc Pingris.