MANILA, Philippines - Upang igiya ang paniguradong tiket sa Final Four, buong ningning na bumandera si Ryan Roose Garcia sa pamamagitan ng kanyang 21 points sa pagpapatuloy ng UAAP.
Umiskor ng kanyang game high 25 points, kabilang ang importanteng buslo kontra Adamson, pinamunuan ni Garcia ang pagdurog sa kalaban sa pamamagitan ng 84-75 noong Huwebes at nasundan pa ng 17 points marka sa pakikipagduelo nila sa University of the Philippines noong Sabado.
"I'm happy for him because he struggled in our past games," papuring pahayag ni FEU coach Glenn Capacio. "I like what I’m seeing from him and hopefully, it continues this season."
Dahil dito, matagumpay na nasikwat ng Tamaraws ang 10-2 baraha na nagtataglay ng twice to beat incentive sa Final Four.
Bagamat hindi tinanghal na Player of the Week sa mga nakalipas na linggo, naging makabuluhan ang 7.5 average kada laro ni Garcia na umangat pa sa 0-for-8 mula sa three point area.
"Sabi ni coach, bawi lang ako. Sabi niya, maging patient lang kaya binigay ko talaga ‘yung best ko para gumanda uli laro ko," wika ng tubong Zamboanga na Tamaraw.
Sa solidong laro ni Garcia, naungusan niya sina Pari Llagas ng UE, Dylan Ababou ng UST at Eric Salamat at Rabeh Al-Hussaini ng Ateneo para sa naturang lingguhang parangal. (Sarie Nerine Fancisco).