^

PSN Palaro

PSC training ground sa Baguio puwedeng gamitin ni Pacman

-

MANILA, Philippines - Kung sa Baguio City maghahanda si Manny Pacquiao para sa kanyang paghahamon kay Puerto Rican world welterweight champion Miguel Angel Cotto, maaaring gamitin ng Filipino boxing hero ang training center ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Teacher’s Camp.

“We will certainly help him in his training by offering him our training center in Teacher’s Camp,” ani PSC chairman Harry Angping sa 30-anyos na si Pacquiao.

Ang Teacher’s Camp sa Baguio City ang siyang pinagsasanayan ng mga national athletes ng boxing association at track and field association.

Ang pagtatayo ng training camp ang siyang pinoproblema ngayon ni American trainer Freddie Roach kung saan niya pinagpipilian ang Bahamas, Vancouver at Mexico.

Nakatakda ang salpukan nina Pacquiao at Cotto sa Nobyembre 14 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada kung saan nakataya ang suot na World Boxing Organization (WBO) crown ng Puerto Rican at ang Diamond Belt ng World Boxing Council (WBC).

Isang hacienda sa Cancun, Mexico ang sinasabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na maaaring gamitin nina Pacquiao at Roach.

“It’s private and it’s great,” ani Arum. “The weather is perfect so we advised him to go but what he does, who knows.”

Dinadala ni Pacquiao, nagkampeon na sa flyweight, super bantamweight, super featherweight, lightweight at light welterweight division, ang 49-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 37 KOs, habang may 34-1-0 (27 KOs) slate naman si Cotto.

Isang baseball promotional tour ang nakatakda sa Yankee Stadium sa New York sa Oktubre bago dalhin ang press conference ng “Firepower” sa Puerto Rico bago bumalik sa San Francisco diretso sa Los Angeles. (Russell Cadayona)

ANG TEACHER

BAGUIO CITY

BOB ARUM

COTTO

DIAMOND BELT

FREDDIE ROACH

GRAND GARDEN ARENA

HARRY ANGPING

PACQUIAO

PUERTO RICAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with