Pagtugis sa World Cup of Pool title sisimulan na ng dalawang RP team

MANILA, Philippines - Ang pagtugis sa isa pang malaking karangalan ng bansa at pagkilala sa husay ng kakayahan, mu-ling sasargo ang maga-ling na duo nina Efren “Bata’ Reyes at Francisco “Django”Bustamante para sa titulo ng PartyCasino.net World Cup of Pool na magsisimula ngayong araw sa SM City North EDSA.

Aasintahin ang korona, magtutulong sina Reyes at Bustamante upang mapatalsik sa pwesto ang reigning titlist na si Rodney Morris at Shane Van Boening at maiuwi ang $60,000 bilang papremyo.

Bilang host ng naturang kompetisyon, binigyan ng pagkakataon ang Pilipinas na magsali ng 2 koponan na lalahok sa six-day tournament na binubuo ni darkhorse pair dating World 9 ball at 8 ball champion Ronnie Alcano at money game king Dennis Orcollo ang Team A habang kinatawan naman para sa Philippine team B sina Reyes at Bustamante.

Sa paunang laban, aarangkada agad ang pares nina Reyes at Bustamante na makikipagtipan kina Bashar Hussain at Mohammed Ali Bin ng Qatar sa opening day dakong alas-6 ng gabi.

Habang sasabak sina Alcano at Orcollo kinabukasan sa pakikipagtuos nito kina Nitiwat Kanjanasri at Surethep Phochalam ng Thailand.

Ang iba pang sagupaan na pakakaabangan ay ang duelo ng kapwa former world champions na sina Ralf Souquet at Thorsten Hohmann ng Germany at Kenny Kwok at Lee Chenman ng Hong Kong.

Ang US at Malta ay nagtagpo sa opening round noong torneo sa 2007 edition na napagwagian ng Americans, 8-7.

Maging ang salpukan nina Morris at Van Boening kontra Tony Drago at Alex Bong ay paniguradong magiging kapana-panabik.

Susugal rin para sa korona ng event ay ang Dutchmen Nick Van Den Berg at Niels Feijen, at reigning World 10-Ball champion Darren Appleton ng England na makakatambal ni Imran Majid.

Sa unang pagkaka-taon, masasaksihan rin natin ang all-female team na kinatatampukan nina Ga Young Kim, women’s world No. 1 player at Yun Mi Lim ng Korea.

Inaasahang mahigpit na laban rin ang ibibigay ng Europe na kinabibila-ngan nina Marcus Chamat (Sweden) at 2001 World Pool champion Mika Immonen habang aasa naman ang Asia sa subok na galing ng Taiwanese team stars na sina Yang Ching shun at Lai Chia-hsiung at 2006 semifinalists Luong Chi Dung at Nguyen Thanh Nam ng Vietnam.   (Sarie Nerine Francisco)

Show comments