AMSTERDAM-May Ilang oras pa lamang mula nang makalapag sa Milan, Italy, kaagad nang nagsanay ang five-man Philippine team at nasiyahan naman si head coach Pat Gaspi sa pagsisikap at determinasyon na nakita niya sa mga boksingero.
Galing sa Havana, Cuba ang Nationals na babanderahan ni two-time Olympian Harry Tañamor, ay nag-shadowboxed, skipped ropes, punched mitts, at pinuntirya ang mabibigat na bags at ilang road works para sa isang oras nilang workout bilang paghahanda sa 2009 AIBA World amateur boxing championship na magsisimula sa Lunes sa napakagandang lugar ng Milan.
Kasama ni Tañamor (light flyweight) sa team sina Joan Tipon (bantamweight) Charlie Suarez (featherweight), Genebert Basadre (Iight welterweight ) at Jeogin Ladon (lightweight), na dumating sa Milan matapos ang 14 na oras biyahe mula sa Havana kung saan sila nagsanay sa loob ng isang buwan sa ilalim nina Cuban coaches Enrique Steyners Tissert at Dagoberto Roxas Scott at nakipag-ispar sa mga boxers mula Brazil, Venezuela at Cuba.
Ilan lamang sila sa may mahigit 500 boxers mula sa buong mundo na lalahok sa 12-day world tournament na ikalawang pinakamalaking torneo sa amateur boxing kasunod ng Olympic Games.