Gusto kong maglaro para sa bansa - Aguilar

MANILA, Philippines - Sinabi ni Japeth Aguilar na sarili niyang desisyon ang maglaro sa Smart-Gilas Pilipinas team at may permiso ang kanyang mga magulang.

Ito’y matapos hindi pu-mirma sa Burger King kumuha sa kanya bilang top draft pick na naghain sa kanya ng tatlong taong kontratra na nagkakahalaga ng P8.76 milyon.

“I have made the choice with my family’s blessings and encouragement,” pahayag ng 6-foot-9 na si Aguilar na lumaro sa Powerade Pilipinas team na sumabak sa FIBA-Asia championships sa Tianjin, China kamakailan lamang sa ilalim ni national coach Yeng Guiao na siya ring coach ng Burger King.

Nahaharap din sa posibleng pagka-ban sa Philippine Basketball Association si Aguilar at kasong planong isampa sa korte ng Burger King.

Hindi nagustuhan ng Burger King na iniwan sila sa ere ni Aguilar kaya plano nilang dalhin ang issue sa PBA Board para talakayin ito o kaya ay magsampa ng kaso.

Sinabi naman ni Aguilar na wala siyang tampo kay Guiao at hindi totoong nadismaya siya dahil hindi siya nabigyan ng playing time sa Tianjin tourney.

“I will always be grateful to coach Yeng Guiao for the opportunity he gave me to play for the Philippines, Powerade Team Pilipinas manager JB Baylon and PBA Commissioner Sonny Barrios for their kindness, understanding and support,” sabi pa ni Aguilar sa kanyang statement.

Sinabi ni Aguilar na gusto talaga niyang makapaglingkod sa bansa.

“The experience of Tianjin, China, opened my eyes and told me that if I truly want to help my country in international basketball I will have to sacrifice a career in the pro league with all the glamour and all the perks, and join the national pool for the present time,” aniya.

Hinihiling naman niya sa pamunuan ng Burger King na sana ay maunawaan siya.

“ I trust they will understand that my desire to play for my country means more to me and my family than anything else,” ani Aguilar. (Mae Balbuena)

 

Show comments