Twice-to-beat kuha ng Ateneo; Tamaraws nakasisiguro sa F4
MANILA, Philippines - Nais maiparada ang imakuladang baraha, agad na sinupil ng defending champion na Ateneo ang National University sa pamamagitan ng 75-54 tagumpay para maiuwi ang twice to beat bonus sa semis.
Nalugmok sa pinaka-mababang 10 points sa first half, hindi na nagawang makaporma ng Bulldogs sa opensiba ng Eagles ng bumulusok ito sa pamumuno ni reigning MVP Rabeh Al Hussaini na naglista ng 15 points, 10 rebounds at 23 ni Ryan Buenafe na nagbigay ng 28-0 run at kunin ang 32 puntos na bentahe sa pagtatapos ng halftime.
Sa kamalasan, napako sa pinakamababang iskor ang NU makalipas na bumuslo ng tatlong puntos sa first quarter.
Dahil dito, tuluyan nang napatalsik ang Bulldogs (2-9) sa Final Four bid.
Samantala, sa inisyal na laban, humakot ng career high na 25 points si rookie RR Garcia upang itawid ang intensyon sa Final Four at suwagin ang Adamson sa pamamagitan ng 84-75.
Determinadong makabangon mula sa pagkatalo sa kamay ng University of the East, pinuwersa na ng Tamaraws ang panalo para makampante na sa susunod na round sa pagkubra ng 9-2 kartada.
Naging makabuluhan rin ang ambag ni Garcia at 15 points, 5 assists, 2 steals na dagdag na tulong ni Mark Barroca.
Habang bumulsa rin ng tig 10 points ang iba pang kabatak nila na sina Aldrech Ramos, Reil Cervantes at JR Cawaling.
Para sa women’s division, tumipa ng 22 points si Treena Limgenco ng Ateneo Lady Eagles upang iangkla ang Final Four bid nang igupo ang NU Lady Bulldogs, 63-49 sa FilOil Flying V Arena sa San Juan. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending