Wilson bumomba ng 48 puntos sa panalo ng JRU
MANILA, Philippines - Humulagpos upang ipa-kita ang tunay na husay at ipagtanggol ang kandidatura sa pagiging MVP, bumulsa ng kanyang record breaking performance si John Wilson matapos durugin ang St. Banilde, 95-85 kahapon upang isulong ang Final Four bid sa 85th NCAA basketball tournament sa The Arena, San Juan City.
Magmula nang magtala ng 55 points si Eng Beng ng La Salle, tinatayang aasintahin ni Wilson na maungusan ang record nito matapos maglista ng kanyang career at league high 48 points, kabilang ang pinakawalang 9 na tres at 18 field goals.
Buong giting na binomba ng 22 anyos na tubong Binangonan na manlalaro ang opensiba ng Blazers para bakuran ang ikasiyam nilang paghahari.
Dumoble kayod, humugot rin si Wilson ng 17 rebounds na sinamahan pa ng 3 steals at isang assist upang mapagtibay ang kontensyon sa pinakaprestihiyosong individual award.
Todo komendasyon sa kanyang bata, inaasahan ni Ariel Vanguardia kinakailang hasain pa ni Wilson ang kanyang kakayahan para masustinihan ang laro nina James Sena at Marvin Hayes na kasalukuyang hindi masyadong nagiging produktibo sa grupo.
Naging maigi rin ang carrer high na 27 points kontribusyon ni John Agas na bumitbit sa tagumpay sa laban kontra Perpetual, 82-68 noong nakaraang linggo.
Para sa Blazers, malaking kawalan si skipper Jeff Morial na hindi nakapaglaro dahil sa iniindang left knee injury, subalit ang pwersa naman ni Mark de Guzman na humatak ng 23 points ang kahit paano’y nakatulong sa Blazers.
Samantala,sa ikalawang laban, ginamitan ng balanseng atake, walang puknat na inararo ng San BedaCollege ang Emilio Aguinaldo College sa pamamagitan ng 94-63 iskor.
Malawig ang naging motibasyon, napakilos lahat ni coach Frankie Lim ang lahat ng kanyng bataan sa pamumuno nina Dave Marcelo, Garvo Lanete, Sudan Daniel, Bam Bam Gamalinda at Adler dela Rosa na nakapag-ambag ng 14, 12, 11, 10 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.
Ang naturang pananig ang nagbigay ng malinis na pag-asa sa Red Lions upang hindi makalayo sa nangungunang San Sebastián College, habang ito naman ang ikasiyam na pagkatalo ng Generals. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending