Masyadong malakas si Pacquiao para kay Cotto-Mayweather

MANILA, Philippines - Dahil pinakakaabangan ang Manny Pacquiao-Miguel Cotto fight, kanya-kanyang opinyon ang naglalabasan kung sino ang mananalo.

At para kay Floyd Mayweather Sr.,masyadong malakas si Manny Pacquiao para kay Cotto.

Kailangan umiskor ng matinding suntok si Cotto sa katawan at ulo para mapabagsak niya si Pacman.

“I think Pacquiao is too much for Cotto right now but my thing is if Cotto can hit hard to the body and to the head, he can knock Pacquiao out,” sabi ni Mayweather.

May karapatang magbigay ng opinyon si Mayweather dahil malawak ang kaalaman nito sa boxing at napag-aralan na niya si Pacquiao.

Matatandaang magbabalik sana sa ring ang kanyang anak na si Floyd Mayweather Jr. at ang gusto niyang kalabanin ay si Manny Pacquiao. (Mae Balbuena)

Show comments