'SHOW ME DA MANNY' SITCOM NAKAKAALIW

Bihira akong manood ng telebisyon lalo na sa gabi dahil mas gusto kong matulog agad.

Pero noong Linggo ng gabi, nag-enjoy ako sa panonood ko ng Show Me Da Manny! -- ang TV sitcom ni boxing icon Manny Pacquiao together with Marian Rivera.

Naaliw ako hindi kay Manny kundi sa iba pang kasama niya tulad nina Benjie Paras (cager), Paolo Contis, Enchong Dee (swimmer), Onyok Velasco (boxer), Tuesday Vargas at higit sa lahat sa kanyang madir na si Mommy Dionisia.

Magaling talagang comedian si Benjie at Onyok na tulad ni Manny ay mga dating atleta din. Si Benjie ang kauna-unahang PBA player na nakakuha ng MVP at Rookie of the Year award at si Onyok naman ang silver medalist sa Olympic boxing.

At siyempre, dahil hindi naman talaga komedyante si Manny, hindi ko pupulaan ang akting niya.

Isa pa nagsisimula pa lang naman ang sitcom.

Pero nakakatawa ha. Natural na natural ang akting nila. Lalo na si Mommy Dionisia na minsan kahit nauutal pa sa pagdeliver ng script ay kuwela pa rin.

Natural ang tawanan nila. Parang mga naglalaro lang at nagtatawanan ng wala sa harap ng camera. Maging si Marian Rivera, naaliw sa kanyang role at hindi mapigilan na hindi tumawa sa kanilang pinaggagawa.

Puwedeng mag-rate ang sitcom na ito. Kuwela naman at may napatawa silang manonood.

Good-luck sa lahat ng kasali sa sitcom na ito.

* * *

Ang galing ng San Sebastian College. At ang suwerte naman ni Ato Agustin sa kanyang debut bilang coach. Grabe, tila masu-sweep nila pati ang second round ng elimination sa ginaganap na NCAA.

11-0 yan ang record ng Stags ni Ato. At para sa first timer, kahanga-hanga ito. May mga hindi naniniwala sa kakayahan ni Ato nang mapili itong coach ng Baste. Kaya marahil pinatunayan lamang niya ang kanyang husay sa pagmamaniobra ng isang team.

Congrats Ato!

* * *

Binabati ko nga pala ang Purok Uno basketball team sa Canlubang, Calamba City na nagkampeon sa Inter-Purok basketball tournament noong Linggo ng gabi.

Tinalo at tinambakan nila ang Purok 10 para sa titulo. Ang torneong ito ay ginanap bilang bahagi ng kapistahan ng patron ng Canlubang Asia 1 na si San Ramon de Nonato sa Agosto 31.

With special mention sa pagbati ang isang player nito na si Vicente Majerano at magdiriwang ng kanyang kaarawan sa araw ng kapistahan, mula sa kanyang mga tabarkads na sina LJ, TJ at Noel (Galing mo Pare!-LJ)

* * *

Happy birthday din kay Carmela Villena Ochoa na magdiriwang ng kanyang kaarawan sa Aug. 31. (Hihintayin namin ang pakain mo he he he). Belated happy birthday din kay Pareng Gus Abelgas noong Aug.23.


Show comments