^

PSN Palaro

Reyes vs Gallego sa Villar Cup finals

-

DAVAO CITY, Philippines — Kinailangang hukayin ni Efren “Bata” Reyes ang kanyang malalim na karanasan upang makaiwas sa upset laban kay Jomar de Ocampo at umiskor ng pinaghirapang 10-7 victory para makapasok sa finals ng The Manny Villar Cup Kadayawan Leg kahapon sa dinumog na activity area ng NCCC Mall dito.

Naitakda ang laban ng 55-gulang na Magician kay former leg winner Ramil Gallego para sa titulo at P300,000 top prize na nakataya sa prestihiyosong island-hopping series na ito na handog ng Villards: Tulong sa Pagsulong ng Philippine Sports ni Senator Manny Villar.

Sinibak ni Gallego, ang Villar Cup Bulacan leg titlist, si Cebu leg champion at top local bet Gandy Valle, 10-4, sa kanilang semifinals match.

Hindi naging madali ang panalo para kay Reyes nang magpamalas si De Ocampo ng kanyang A-game at hindi na-pressure kontra sa kalabang kinikilalang best cue artist sa buong mundo at sa maingay na Davaoeno crowd na kampi kay Reyes.

Nanalo si De Ocampo, ang 20-gulang na pambato ng Alaminos, Pangasinan, sa lag ngunit si Reyes ang nakakuha ng unang dalawang racks, bago nakatabla ang huli sa 2-2.

Nakuha ni Reyes ang dalawang sunod na frames para kunin ang trangko ngunit hindi hinayaan ni De Ocampo na makalayo ng husto si Reyes.

Ang finals match ay pinaglalabanan kagabi kasunod ang awarding ceremonies na pamumunuan ni Senator Villar.

ALAMINOS

DE OCAMPO

GANDY VALLE

MANNY VILLAR CUP KADAYAWAN LEG

PHILIPPINE SPORTS

RAMIL GALLEGO

REYES

SENATOR MANNY VILLAR

SENATOR VILLAR

VILLAR CUP BULACAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with