Letran at Arellano, mag-uunahan sa No. 4
MANILA, Philippines - Pareho ang hangarin, aasintahin ng Letran at Arellano U na makapuwesto sa ikaapat na posisyon sa magkahiwalay na pakikipagtagisan nito sa Mapua at Angeles Foundation, ayon sa pagkakasunod, ngayon para sa pagpapatuloy ng 85th NCAA basketball tournament sa The Arena, San Juan City.
Kapwa nagbuhat sa panalo, matagumpay na napayuko ng Knights ang Emilio Aguinaldo Generals sa pamamagitan ng 92-66 habang naging domina-nate naman ang Chiefs kontra St. Benilde Blazers, 82-72 noong Miyerkules na siyang nagtalaga sa dalawang koponan sa No. 4 spot.
Sasabak para sa tiket sa susunod na round, makikipagbuno ang Letran sa nangungulelat na Mapua para sa pang-alas kwatrong laban habang magiging inisyal na laro ang engkwentro sa pagitan ng Arellano U at AUF, dakong alas-dos ng hapon upang hindi mawala sa anino ng pumapangalawang Jose Rizal na kasalukuyang nasa ikatlong posisyon.
Patuloy pa rin ang pamamayagpag, nananati-ling walang bahid ng kabiguan ang San Sebastian College sa loob ng labing isa nitong laro sa liga, na agad namang sinusundan ng nag-aasam na reigning three peat champion San Beda College na may 9-1 rekord.
Dahil sa pagiging magaspang na laro, parehong napag-iwanan sa huli ang Great Danes at Cardinals (1-9), kung kaya’t para kina Louie Alas ng Letran at Junjie Ablan ng Arellano, hindi nararapat ismolin ang kakayahan ng dalawang grupo.
Bagkus ay higit silang dapat maghanda para sa pag-atake ng mga ito.
Tulad ng nakasanayan, muling lulutang ang husay nina Smart Gilas Pilipinas duo nina RJ Jazul at Rey Guevarra na nakapagtala ng tig-21 points para sa huling pananaig.
Samantala, muling sasandig ang Arellano sa abilidad ni Giorgio Ciriacruz na bumulusok sa kanyang career high 31 points at 17 rebounds para ibakod ang kontensyon ng grupo sa Final Four.
Bunga ng hindi matatawarang galing na pinamalas sa huling laban kontra St. Benilde, hinirang ng NCAA Press Corps si Giorgio Ciriacruz bilang ACCEL-FilOil Player of the Week nang hatakin ang koponan sa 82-72 tagumpay ng 85th NCAA.
Naglista ng kanyang career high 31 points at 16 rebounds, binigyang lakas ng 6’4” na si Ciriacruz ang Chiefs para itabla ang karta sa Letran Knights na kasalukuyang nakaupo sa ikaapat na pwesto.
Upang iligtas ang kontensyon sa Final Four bid, buong ningning na suma-gupa si Ciriacruz higit lalo nang humatak ito ng 14 points, kabilang ang 8 freethrows na iniam-bag nito para sa Legarda based dribblers.
Dahil sa pinakitang gilas, pinatunayan ni Ciriacruz na kahit sila ay kabilang sa mga guest teams ng liga, hindi ito basta basta magpapadaig sa iba. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending