^

PSN Palaro

Blue Eagles garantisado na sa F4

-

MANILA, Philippines - Upang siguruhin ang Final Four tiket sa 72nd UAAP basketball tournament, muli na namang dinagit ng Ateneo Blue Eagles ang tagumpay sa pangunguna ni Kirk Long na siyang naging pangunahing sandata ng Eagles sa pagsupil sa University of Santo Tomas sa iskor na 80-70 kahapon sa Araneta Coliseum.

Tumulong sa kaalyadong si Rabeh Al-Hussaini na nanganib dahil sa dami ng naitalang fouls, humakot ng kanyang 21 points kabilang ang mahalagang tres sa huling 56.3 segundo na naglagay sa 74-66 iskor, inararo ni Long ang puntos para iuwi ang ikasiyam na pamamayani ng Eagles sa loob ng kabuuang 10 laban.

“I just wanted to help the team with Rabeh out on fouls. I’m happy I did,” maligayang pahayag ni Long.

Lalo pang nagpasiklab sa kalibre ni Norman Black ang tig-10 points na kontribusyon nina Nico Salva, Jai Reyes at Nonoy Baclao upang magbigay ng upuan sa semis.

Dahil dito, tuluyang nalugmok ang nag-aasam na UST sa kanilang ikalimang talo nang hindi nito napigilan ang pagratsada ng kalaban.

Bagaman nagawang makalamang, naging alerto ang Ateneo sa pag-apula ng nagbabagang pagbabalik sana ng Tigers.

Sa ikalawang laro, buong giting na giniba ng University of The East ang depensa at opensiba ng Far Eastern University sa pamamagitan ng 87-72.

Matikas na inangkin ng Warriors sa ikaanim nitong panalo para mapainam ang barahang isusugal sa semis.

Sa tinamong paghahari, naungusan ng UE ang katablang UST (5-5) sa ikatlong puwesto na pinakabog ang FEU (8-2) sa ikalawang posisyon na naghiwalay sa nangungunang Ateneo sa tuktok (9-1). 

“It’s all about the team being intense,” anang UE coach Lawrence Tiongson. “All we talked about going into this game was self-respect. We’ve been swept by Ateneo and we don’t want that to happen against FEU,” dagdag pa nito.

Para sa matinding pagbabalik, pinamunuan nina Nerciso Llagas, Elmer Espiritu at Paul Lee ang pag-ambag ng higit 18 points para sa Warriors. (Sarie Nerine Francisco)

ARANETA COLISEUM

ATENEO

ATENEO BLUE EAGLES

ELMER ESPIRITU

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

JAI REYES

KIRK LONG

LAWRENCE TIONGSON

NERCISO LLAGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with