^

PSN Palaro

3 o 4 na gold ang target sa Asian Indoor Games

-

MANILA, Philippines - Mula sa naiuwing tig-isang gintong medalya sa nakaraang dalawang edisyon, kumpiyansa ang mga sports officials na makakapitas ng tatlo hanggang apat na gold medal ang de-legasyon para sa Asian Indoor Games sa Oktubre 28 hanggang Nobyembre 8 sa Vietnam.

Ito ay bunga na rin ng pagkakadagdag sa wo-men's boxing, wushu at billiards and snooker event sa nasabing biennial meet na idinaos sa Bangkok noong 2005 at sa Macau noong 2007.

“Definitely, the chance for us to bring home more gold medals is there with the inclusion of the three sports, which will be disputed for the first time,” ani Julian Camacho, ang chef de mission ng Team Philippines.

Ang naturang tig-isang gold medal ng bansa sa 2005 at 2007 Asian Indoor Games ay nanggaling sa muay thai event.

Tiwala si Roel Velasco, ang bronze medalist sa 1992 Olympic Games sa Barcelona, Spain, na ka-yang walisin ng kanyang national women's boxing team ang limang weight divisions.

Ang tropa ay kinabibila-ngan nina lightweight Michell Martinez, pinweight Jose Gabaucom, light flyweight Alice Kate Aparri, bantamweight Annie Albania at featherweight Nesthy Petecio.

Gagabayan naman ni mentor Billie Alumno, ang tanging gold medalist sa First Asian Indoor Games sa Bangkok noong 2005, ang muay thai team na binubuo nina Maricel Subang, Preciosa Ocaya, Jay Harold Gregorio, Zaidi Laruan at Romnick Pabalate.

Maliban sa women's boxing, wushu, billiards and snooker, ang isa pang events na nakalatag sa 2009 Asian Indoor Games ay ang dance sports, athle-tics, swimming, shuttle cock, hoop sepak takraw, futsal, bowling, petanque, aerobics gymnastics, chess, kickboxing, jujitsu, 3-on-3 basketball at pencat silat. (RC)

ALICE KATE APARRI

ANNIE ALBANIA

ASIAN INDOOR GAMES

BILLIE ALUMNO

FIRST ASIAN INDOOR GAMES

JAY HAROLD GREGORIO

JOSE GABAUCOM

JULIAN CAMACHO

MARICEL SUBANG

MICHELL MARTINEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with