8 RP netters nakalusot
MANILA, Philippines - Nakaligtas ang walong batang local na sinasabing magiging future ng RP tennis, sa mabigat na hamon ng first round ng Tan Ho Cup Asian 14-under tennis series sa Rizal Memorial Tennis Center.
Pinangunahan ni fifth seed Jurence Mendoza ang tagumpay ng mga Pinoy matapos ang 6-2, 6-0 panalo laban sa kababayang si Joachim Samson isa sa walong local na nalaglag.
Sa tagumpay ni Mendoza naharap naman ito sa mabigat na hamon laban kay Yu-Ju Chang ng Chinese Taipei, na nakarating sa susunod na round matapos igupo ang isa pang Pinoy na si Eric Olivarez Jr., 6-0, 6-3.
Nakasulong din sina Hans Angelo Asistio, Romnee Kyle Joseph at boys wildcard entries Juan Alfonso Opulencia at Calvin Charles Canlas kasama sina Maia Bernadette Balce, Marian Jade Capadocia at Isabelle Orteza sa girls singles.
Sinibak ni Asistio si Sayam Raj Sagar ng India, 4-6, 7-6 (5), 6-4, at susunod nitong kalaban si 6th seed Ho Ching Lee ng Hong Kong, nagparetiro sa kababayan niyang si Robin-Hao Nguy, 6-1.
Naungusan ni Joseph si Ali Abdullareda ng Qatar, 6-2, 6-4, at susunod niyang kalaban si Min-Shiuan Lee ng Chinese Taipei na sumilat kay third seed Aditya Vikram, 4-6, 6-0, 6-3.
Tinalo ni Opulencia si Rohan Kamdar ng Singapore, 6-3, 6-1, at susunod niyang kalaban si Ming-Gang Li ng Hong Kong, nagtala ng 6-4, 6-0 win kay Qatari 7th seed Mahmoudi Abdullah.
Umusad naman si Canlas na nagtala ng 6-4, 4-6, 6-2 panalo kay Yung-Chen Teng ng Chinese Taipei at kakalabanin niya ang bigating si second seed Chun-Hun Wong ng Hong Kong na nagdimolisa kay Qatari Ahmed Rasheed, 6-0, 6-1.
Umusad si Capadocia sa susunod na round matapos ang 6-0, 6-3 panalo kay Aslina Chua ng Malaysia, at magaan din ang panalo ni Orteza sa kababayang si Andriana Marie Villarosa, 6-1, 6-0. Magaan din ang panalo ni Balce nang di sumipot ang kababayang si Filipina Jenni Dizon.
- Latest
- Trending