Looney Tunes Active Fun Run

MANILA, Philippines - Patuloy na nagaganap ang rehistrasyon para sa Looney Tunes Active Fun Run sa SM Mall of Asia sa Agosto 30 kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga bata at maging ng ilang matatanda sa pakikipagtagisan para sa karangalan sa 3K at 5K categories.

Ang MOA run ang huling serye ng running events para sa mga batang may edad na 4 hanggang 12 taon na idinaos sa iba’t ibang paaralan sa metropolis sa kampanya ng Warner Bros. sa pamamagitan ng Looney Tunes na mailihis ang atensiyon sa running bilang competitive sport.

Ang bayad ay P300 para sa 3K o 5K at P500 sa dalawang kategorya. Para sa ilang detalye at pagpapalista maglog-on sa www.looneytunesactiverun.com.ph o bumisita sa Nike Park sa Bonifacio High Street.

Ang 5K run, isang open event, ay magsisimula sa alas-6 ng umaga habang ang 3K naman na para sa mga batang may edad 4-12 ay sa alas-7 ng umaga.

Tampok din sa event na suportado Alaska, Timex watches, Nestle Ice Cream, PT Kino, Sterling, JC Lucas, at Advance notebooks, ang basketball 3-on-3 ay gaganapin sa ala-una ng hapon.

Show comments