^

PSN Palaro

Lioness tinuhog ng Lady Knights

-

MANILA, Philippines - Mainit na paghihiganti sa ikatong set na kabiguan, bumalikwas ang Letran upang igupo ang San Beda College, 25-19, 25-12, 23-25, 25-13 sa panimula ng women’s division ng 85th NCAA volleyball tournament sa Emilio Aguinaldo College gym.

Nagpakawala ng maiinit na palo, sumingasing ang Lady Knights sa trouble-free na tagumpay sa unang dalawang sets at abot kamay na ang pambubugbog sa kalaban.

Ngunit hindi ito naging dahilan upang hindi bumangon ang Lioness at sa mainit na pagsisikap, naipanalo nito ang ikatlong set upang dugtungan ng extra set ang kanilang laban.

Nagising sa pagkaka-idlip, nanumbalik ang sigla ng Letran upang tapusin ang laban sa ikaapat na set mula sa mahusay na diskarte ng team captain nilang si Kriszelle Moralejo.

Dinuplika naman ng Squires ang kanilang lady counterparts nang igupo ang Red Cubs, 24-26, 25-17, 25-16, 25-19.

Napigil naman ng Lions ang nakakahiyang sweep nang payukurin nila ang Knights, 25-22, 28-26, 25-16, sa men’s division.

Dahil sa tagumpay na tinamo, napilit ng Letran ang three-way logjam sa pagitan ng reigning women’s champion San Sebastian College at Perpetual Help University na kapwa nakapaglista ng panalo sa opening day. (Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

DAHIL

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

KRISZELLE MORALEJO

LADY KNIGHTS

LETRAN

PERPETUAL HELP UNIVERSITY

RED CUBS

SAN BEDA COLLEGE

SAN SEBASTIAN COLLEGE

SARIE NERINE FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with