MANILA, Philippines - Ipagdiriwang ng Quezon City ang ika-70th founding anniversary ngayong taon sa pagho-host ng pinakamayamang running event sa bansa, ang Quezon City International Marathon.
Ang naturang karera ay ita-takbo sa Oktubre 18 na magsisimula at magwawakas sa Elliptical Road at may nakatayang P3M pa-premyo kung saan ang magkakampeon sa lalaki at babaeng runner ay tatanggap ng halagang P300,000 at P200,000 at P100,000 naman para sa first at second runner-up, ayon sa pagkakasunod.
Sinabi ni Quezon City Mayor Feliciano ‘Sonny’ Belmonte, na gagamitin nila ang isang araw na running extravagance bilang higlight ng ika-70th anibersaryo ng Lungsod sa Oktubre at bibigyan-parangal ang mga nagdaang pinuno ng lungsod.
“The Quezon City International Marathon pays tribute to the city’s previous leaders in the mold of President (Manuel) Quezon, who laid the foundation upon which we build today,” ani Belmonte sa paglulunsad ng event sa Max Restaurant sa loob ng QC Circle.
Dumalo din sa press conference si Senator Pia Caye-tano, isang running enthusiast na nagsabing lalahok din siya sa karerang handog ng The Philippine STAR, SM, San Jose Builders, Manila Water Corp., PCSO, Maynilad, Adidas, Sun Cellular, Gatorade, Timex, Unilab, Philips, Microsoft, GMA Network, Pharmaton, R.O.X., Fitness First, Runner, Second Wind, Sportspray, Photovendo, takbo.ph at Rush .
Inaasahang may 10,000 runners mula sa iba’t ibang bahagi ng komunidad ang lalahok sa events na hinati sa five-kilometer, 10km at 21km o half marathon categories.