Concepcion nadiskuwalipika
MANILA, Philippines - Ang pagiging kumpiyansa laban sa isang nagdedepensang kampeon ang pinagbayaran ng malaki ni Filipino challenger Bernabe "The Real Deal" Concepcion.
Bagamat ilang beses na nakakonekta ng right cross at body shots, natalo pa rin si Concepcion kay American Steven Luevano para sa World Boxing Organization (WBO) featherweight belt kahapon sa Hard Rock Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.
Ang pagsuntok ng 21-anyos na si Concepcion sa 28-anyos na si Luevano matapos ang bell sa seventh round ang nagresulta sa kanyang diskuwalipikasyon.
“Bernabe was excited. He hurt the guy and hit him late. The disqualification was justified. It wasn’t intentional but it was a good call,” ani American trainer Freddie Roach.
Sa kanilang palitan ng suntok bago ang pagtunog ng bell sa round 7, hindi tumama ang left hand ni Concepcion kasunod ang pagkunekta ng kanyang right cross sa mukha ni Luevano.
Sa paghinto ni Nady ng laban, nakakuha si Luevano, may 37-1-1 win-loss-draw ring record ngayon kasama ang 15 KOs, ng 67-66 at 68- 65 puntos kumpara sa 67-66 ni Concepcion (29-1-1, 16 KOs).
Nanaig naman ang 22-anyos na si welterweight Mark Jason Melligen makaraang pabagsakin ang 32-anyos na si Ernesto Zepeda ng Tijuana, Mexico via fourth-round TKO sa huling 2:40 sa kanilang 10-round welterweight fight. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending