Lakas ng kapatiran
Marami nang sumikat na magkakapatid sa sports.
Naririyan ang Pacquiao brothers at Donaire brothers sa boksing. Sa PBA naririyan ang de Ocampo brothers, na parehong kilala.
Sa NBA, pinakatanyag sa limang Jones brothers si Caldwell Jones, na bahagi ng Philadelphia 76ers noong panahon ni Julius Erving.
At inaasahang makalaro sa NBA ang dalawang anak na lalaki ni Michael Jordan. Subalit talo ang lahat ng ito sa dami ng magkakapatid sa isang Philippine team.
Sa katatapos na Asian Five Nations (A5N) Rugby Union series, di lamang nakaakyat ang Pilipinas sa mga pinakamagagaling na koponan sa Asya, may itinatag yata silang bagong rekord.
Apat ang grupo na magkakapatid na Filipino-foreigner sa team, at mula pa sa iba-ibang bahagi ng mundo,
Sa maniwala kayo't sa hindi, ang magkakapatid ay sina: Rupert at Raf Zappia, Jake at Mike Letts, Harry at Freddy Morris, at sina Oliver, Matt at Ben Saunders.
Gumawa ng kasaysayan ang magkakapatid na Saunders kontra Guam sa kampeonato ng A5N nang sabay-sabay silang maglaro sa backline ng Team Philippines.
Ang twenty-three year old na si Oliver ay naglarong stand-off, ang 21-year old na si Matt ay outside center, at ang bunsong kapatid, ang 17-year old na si Ben ay nasa wing.
Napanood pa sila ng kanilang pamilya, ang amang si Nigel, ang inang si Maria (na tubong Pangasinan) at ang kapatid na si Abbie.Ang pamilya Saunders ay naninirahan sa Sydney, Australia.
"It is really amazing to see such family spirit," sabi ng natutuwang si Matt Cullen, head coach ng Philippine team. "It's very rare that you see so many siblings on one team. I don't think you could match that anywhere. And the closeness really helped the team. They were all there for each other to the very end."
Samantala, bumiyahe si Nita Zappia mula Riverview sa Sydney upang panoorin ang mga anak nitong sina Rupert at Raf, na kapwa umiskor laban sa Guam sa championship match, lalo na nang nakaiskor si Rupert sa huling minuto upang ilayo ang bansa sa kapahamakan. Ang panganay na si Raf ay kinilalang Philippine Player ng 2009 A5N Series.
Mula sa Wales, si Fred at Harry Morris ay nanumbalik sa Philippine team, Naglaro rin sila noong 2007. Si Harry ay miyembro ng koponang kumuha ng silver medal sa 2007 Southeast Asian Games. Madalas silang maglaro sa Pilipinas bilang pagmamahal sa bansa ng kanilang ina,
Bilang pangwakas, naririyan ang Lettes brothers, na kapwa naging team captain ng Philippine National Rugby Union teams. Si Mike ang kasalukuyang captain ng A5N Men’s 15’s team, at si Jake ang captain ng Under 19 team na pumunta sa Taiwan at nagwagi sa Division 2 championships.
May mga purong Pinoy din na magkapatid sa Phlippine Rugby Union Team. Ang kasalukuyang Vice-Captain ay si Michael Duhig, habang ang nakababatang kapatid na si Francis ay naglaro sa Under 19’s Team na nakakuha ng Asian Underage Championship in 2006.
"It is fantastic to see strong family ties playing a vital role in the Philippine National Men’s Rugby Union Team," dagdag ni Cullen. "This is a direct result of their Filipino heritage. As everyone knows, the Filipino culture has extremely strong and committed family values and this is being reflected in the Philippine Rugby Union. We are so lucky to have players brought up in this kind of environment."
At simula pa lang iyan.
- Latest
- Trending