Kidzhoopz leveling sa Setyembre 6

MANILA, Philippines - Iniimbitahan ang lahat ng mga batang babae at lalaki na may edad 8 hanggang 14 anyos para sa 3rd conference leveling ng Kidzhoopz sa Setyembre 6, alas-2 ng hapon sa RFM Gym sa may Pioneer st., Mandaluyong City.

SiInabi ni Kidzhoops organizer Eva Celestino na ang laro ay gaganapin pagkatapos ng pagpapalista sa ganap na ala-una ng hapon.

Bukas naman ang pre-registration. Maglog-on lamang sa www.kidshoopz.com o tumawag sa 7382410 o 09172779134.

Ang mga players ay hahatiin sa tatlong age groups--10-under (8-10), 12-under (11-12), and 14-under (13-14). May 40 slots lamang ang bukas na batay sa first-come-first-served basis. Ang tournament proper ay magsisimula sa Sept. 27.


Show comments