MANILA, Philippines - Hangad ni International Boxing Federation (IBF) light-flyweight champion Brian Viloria na dugtungan ang kwento ng kanyang libro ng buhay sa pakikipagharap kay Mexican Jesus Iribe sa 12-round title fight sa August 30 sa Blaisdell Arena sa Honolulu, Hawaii.
Ang title defense na tinaguriang ‘Island Assault’ na prinopromote ng Solar Sports, ay ang una para sa tinaguriang `The Hawaiian Punch’ sapul nang kunin niya ang IBF belt kay Ulises Solis sa 11th round technical knockout win noong Abril sa pagbabalik ni Villoria.
Matapos ang panalo kay Solis sa Araneta Coliseum, sinabi ni Villoria na ito ay `my story book ending.’
“It was a long year. We fought five fights in places where people usually go to shop, not to watch boxing,” pagbabalik tanaw ni Viloria nang mahirapan siyang makabalik at muntik nang iwanan ang pagboboksing matapos ang sunud-sunod na talo.
“That’s why I want to thank my team who worked hard and believed in me,” aniya patukoy kina team manager Gary Gittelson at trainer Roberto Garcia.
Malaki ang pasasalamat ni Viloria kay Garcia, na nagtulak sa kanya para magpursige.
Naalala ni Villoria nang sila ay magsimulang magsanay para sa laban kontra kay Solis laging sinasabi ni Garcia na `Robert would holler `and the new IBF light-flyweight champion of the world.’
“That goes to show the kind of trust he had in me as a fighter,” ani Villoria.
Alam ni Garcia kung ang isang boxer ay may kakayahang magkampeon dahil siya rin ay dating world champion.
Ang 34-gulang ay naging IBF super-featherweight champion matapos ang decision win kay Harold Warren noong 1998.
Matapos idepensa ang titulo ng dalawang beses, natalo siya sa rising boxing superstar na si Diego Corrales via brutal technical knockout.
Muling nagkaroon ng pagkakataon si Garcia sa championship, ngunit lumasap ito ng TKO kay World Boxing Association (WBA) super-featherweight champion Joel Casamayor at nagretiro ito at itinuon ang pansin sa pagti-training ng future world champions.
Bukod kay Viloria, hawak niya rin sina former world champion Joan Guzman, IBF titlist Steven Luevano at promising Victor Ortiz.
Tulad ng dati umaasang muli si Villoria kay Garcia na makatulong para sa bagong yugto ng kanyang `story book ending.’