RP-5 yuko sa Qatar; Good-bye World Championship

TIANJIN --Kalimutan na ang Istanbul at 16th FIBA World championship sa susunod na taon. Tutal, hindi na rin naman umabot ang Powerade Team Pilipinas sa huling biyahe rito.

Matapos mapatalsik sa top three spot sa 25th FIBA Asia World Championship dito, tuluyan nang isinuko ng Nationals ang kanilang tsansa na muling makabalik sa golbal stage makaraan ang mahigit dalawang dekada, nang yumuko sila sa Qatar, 83-65.

Hanggang sa huling sandali, ang posibilidad na makarating sa Turkey bilang wild card ay nananatili buhay dahil ang ikaapat o ikalimang puwestong team ay maiimbitahan kasama ang walo pang ibang team para makipaglaban sa apat na slots sa World Championships.

Ngunit naglaho na ang lahat nang sa kaagahan pa lamang ng laban ay agad nang maiwan ng Qataris ang Nationals 10-2 tungo sa huling sandali ng kani-lang bakbakan.

 QATAR 83 – Ali SA 23, Elsayad 13, Abdulla 11, Mohammed 9, Saeed 9, Salem 9, Abdulla MS 3, Daoud 2, Ali 3, Ismail 1, Abdi 0, Musa 0.

RP 65 – Raymundo 12, Dillinger 9, Baguio 8, Norwood 7, Helterbrand 7, Santos 7, Yap 6, Pennisi 5, Taulava 2, Aguilar 2, Thoss 0.

Quarterscores: 23-16; 49-32; 66-40; 83-65


Show comments