Nationals nagbigay ng mabigat na hamon vs Jordan pero bigo pa rin
TIANJIN -- Nagbigay ng magandang laban ang Powerade Team Pilipinas para makamit ang kanilang pangarap ngunit kinapos sila sa Jordan, sanhi ng 70-81 pagkatalo kaya wala nang pag-asa ang bansa sa 2010 World Championship.
Muling dinomina ni Rasheim Wright at ng kanyang mga kasama upang muling sibakin ang mga Pinoy sa FIBA Asia Championship.
Tumapos si Wright, ang naturalized Jordanian player, ng 21 points, limang rebounds dalawang assists at isang steal, upang pamunuan ang Jordan sa kanilang Final Four stint sa biennial Asian meet.
Makakaharap ng Jordan, sinasabing nasa ikatlong taon ng kanilang $5 million, five-year program sa ilalim ni Portuguese coach Mario Palma, ang reigning champion Iran sa semifinals. Umusad ang Iran sa Final Four matapos ang 75-65 panalo sa Qatar.
“We played against a good team today. This is a better Philippine team than the one we played in Tokushima,” sabi ni Palma. “This team can shoot three-pointers and can penetrate to the basket. It’s not easy to play against a team that can do this. But in the end, we won on defense and rebounding. We won the rebound battle and it gave us much points on fastbreak.”
“We tried to keep the game as close as possible, hoping to beat them in the end. I felt we had a chance specially when we got within five. But we’re not able to sustain the momentum,” sabi ni RP coach Yeng Guiao. “Yes, we’re disappointed with the loss. But there’s a positive side to it. It showed that given a few more months of preparation, we really can compete with the best in FIBA Asia.”
Matapos mabigo sa Final Four at tsansa sa slot sa 2010 world meet, nalaglag ang Powerade-RP sa laban para sa fifth hanggang eight spots.
Makakalaban ng Nationals ang Qataris sa alas-2:00 ng hapon ngayon para sa fifth place.
Bilang kunsuwelo, nahigitan ng RP team ang ninth-place finish ng bansa sa Tokushima, Japan noong 2007. Hindi nakaakyat ang Nationals sa elims noon kung saan ang Jordan ang sumira ng kanilang mga pangarap sa final day nggroup matches.
Inangat ni Gabe Norwood ang kanyang game, para sa 11 point kabilang ang dalawang triples sa 11-1 opening run sa fourth quarter na naglapit sa Nationals sa 63-68.
Sa classification matches, tinalo ng Kazakhstan ang Kuwait, 76-57, habang nasibak ang Japan, sa quarterfinals sa unang pagkakataon matapos mabigo sa United Arab Emirates, 86-59.
- Latest
- Trending