Uichico at Barangay Ginebra sa SCOOP

MANILA, Philippines - Panauhin sina coach Jong Uichico at ang kanyang Barangay Ginebra Kings, ang kontrobersiyal na swimming na si president Mark Joseph at opisyal ng national swimming, diving at water polo teams ang panauhin ngayon sa SCOOP Sa Kamayan weekly session sa Kamayan Restaurant-Padre Faura.

Makakasama ni Uichico sina Rico Villanueva, Richie Alvarez, Paolo Bugia at Celino Cruz, upang talakayin ang kanilang pre-season build-up program para sa PBA 35th season na nakatakdang magbukas sa October sa sesyon na hatid ng Accel.

Sa kabilang dako, sina Joseph, ang swimming, diving at water polo officials na ay tatalakayin ang kanilang ginagawang pagha-handa sa nalalapit na 25th Southeast Asian Games sa December sa Laos.

Sa sesyon ay magsisimula bandang alas-11 ng umaga.

Show comments