Milo Marathon tutungo sa Dagupan at Roxas

MANILA, Philippines - Ang Dagupan at Roxas naman ngayon ang magho-host ng 33rd National Milo Marathon elimination sa linggo sa nalalapit na pagtatapos ng eight-months, three-island elimination races.

Ang Dagupan, na kilala sa kanilang “Bonoan Bangus” ay lalahukan ng 4,000 runners at ang Roxas, kilalang “Seafood capital of the Philippines” ay may inaasahang 5,000 participants.

Sabay na pakakawalan ang karera sa alas-5:30 ng umaga ng mga local officials ng dalawang lungsod katulong ang mga organizers ng longest running footrace ng bansa sa pamumuno ni Milo Sports Events chief Pat Goc-Ong at National MILO Marathon organizer Rudy Biscocho.

Ang mga competitors sa main course 21k ay inaasahang bigay todo para makaabot sa qualifying time para makasama sa finals. Ang qualifying time ay 1:15:00 sa men at 1:35:00 sa women.

Tatlo pang races ang 3k, 5k at 10k—ang kukumpleto ng four-age divisions footrace na inorganisa ng Milo sa tulong ng Department of Tourism at Bay View Park Hotel Manila.

Magtitipon ang mga Provincial qualifiers sa Manila na walang gastos para sa finals sa October 11 kung saan ang men at women champions ay tatanggap ng P75,000 at eleganteng glass trophy. Si Eduardo Buenavista at Marcedita Manipol ang men at women champion noong nakaraang taon.

Show comments