^

PSN Palaro

Kampanya nina Reyes at Bustamante sa World Cup of Pool para sa yumaong si Tita Cory

-

MANILA, Philippines - May magandang alaala sina Efren ‘Bata’ Reyes at Francisco ‘Django’ Bustamante sa yumaong si dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino na pag-aalayan nila ng kanilang kampanya sa Party Casino World Cup of Pool bilang pag-alala sa bayani ng 1986 Edsa People Power Revolution.

Tampok sa World Cup of Pool ang 32 teams mula sa 31 bansa sa Sept. 1-6 sa SM North Edsa Annex, at ngayon pa lamang tinitignan na nina Reyes at Bustamante, nagsanib ng puwersa para maghari sa inaugural staging ng event noong 2006 sa Newport, Wales, si Aquino na kanilang inspirasyon.

“This will be for our President Cory Aquino. I knew her and I had the chance to talk to her a few times because we shared the Time Magazine award,” ani Reyes ukol sa former President, na nangunguna sa listahan ng awardees sa Time Magazine’s 60 Years of Asian Heroes noong 2006.

“I take my hat off to her for the way she fights for what she believes in,” dagdag ng 54-gulang na si Reyes ukol kay Aquino na yumao noong Aug. 1 dahil sa colon cancer.

Para kay Bustamante, mala-pit nang mag 46- taong gulang, alam niyang kababayan niya si Aquino sa Tarlac.

“That’s why I’m proud of her, too. She’s from Tarlac and I’m from Tarlac. We will honor her with our stint in this tournament. And whoever wins among us, I will be proud,” dagdag ni Bustamante sa press launch ng event sa Makati office ng Solar Entertainment, ang producer.

Bilang host, pinayagan ang Philippines na maglahok ng dalawang teams, at sa isa pang team ay sina World 9-Ball champion Ronnie Alcano at money-game king Dennis Orcollo.

May malaking tsansa na magtagpo sa semis ang dalawang team ng Pinoy sa event na may total purse na $250,000.

Sinabi ni Solar Entertainment chief executive officer Peter Chanliong na ang breakdown ng cash prizes ay inaayos pa at ang winning pair ay mag-uuwi ng tinatayang $60,000. Umaasa siyang mababawi ng Philippines ang korona na napawagian ng China noong 2007 at US noong 2008.  (Mae Balbuena)

AQUINO

BUSTAMANTE

DENNIS ORCOLLO

EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION

MAE BALBUENA

NORTH EDSA ANNEX

PANGULONG CORAZON

REYES

SOLAR ENTERTAINMENT

TIME MAGAZINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with