^

PSN Palaro

Sports exchange program sa China asam ni Angping

-

TIANJIN-- Hangad ni Philip-pine Sports Commission chairman Harry Angping na makakuha ng sports exchange program sa Chinese Sports Ministry habang naririto para suportahan ang Powerade Team Pilipinas sa kampanya sa 25th FIBA Asia Championship.

Ayon kay Angping, naglaro sa grade school basketball para sa Xavier, ang diving, table tennis, badminton, volleyball at shooting ang ilan sa sports na makakapag-training sa ilalim ng mga Chinese coaches sa pakikipagkasundo sa top Chinese sports officials.

Ayon sa dating Manila congressman kusa niya ito para makatulong sa paghahanda ng bansa sa 25th Southeast Asian Games sa Laos sa Dec. 9-18.

Nakausap na niya ang ilang opisyal ng Chinese Sports Ministry sa Beijing noong June.

“We’re cramming as we only have three months to prepare for the SEA Games,” sabi ng PSC chair.

Plano rin ni Angping, tumatayo ring special envoy to China, na magpadala ng Filipino divers at table netters para mag-training dito habang posibleng ang badminton, volleyball at shooting at magkakaroon ng Chinese coach sa kanilang training dito sa Pilipinas.

“It’s better for our divers and table tennis players to train here, getting the opportunity to play topnotch players. At the same time, they have state-of-the-art facilities which are conducive for proper training,” ani Angping. “For shooting and volleyball, it’s cheaper for the coaches to come over in the Philippines.”

Ayon kay Angping, ang one-time president ng Amateur Softball Association of the Philippines ASAPHIL may magarang gusali dito na may Olympic-sized pool, diving area at isa pang malaking pool para sa synchronized swimming.

Idinagdag ng PSC na ang mga divers mula sa Vietnam ay dalawang buwan nang nagsasanay dito.

“That’s why I consider Vietnam as the darkhose in this SEA Games because of their preparations,” wika ni Angping ukol sa mga Vietnamese, ang 2003 SEA Games overall champions.

Sa limang sports, inaasahan ng PSC chief ang diving at shooting ang maghahakot ng gold medals, ngunit umaasa rin siya sa volleyball, table tennis at badminton.(NBeltran)

AMATEUR SOFTBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ANGPING

ASIA CHAMPIONSHIP

AYON

CHINESE SPORTS MINISTRY

HARRY ANGPING

POWERADE TEAM PILIPINAS

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SPORTS

SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with