^

PSN Palaro

Cotto ayaw makumpara kay Pacquiao

-

MANILA, Philippines -  Kung malapit sa mga tao sina Filipino boxing superstar Manny Pacquiao at Puerto Rican boxing legend Felix "Tito" Trinidad, naiiba naman si world welterweight champion Miguel Angel Cotto.

Sa panayam ng El Nuevo Dia kahapon, sinabi ni Cotto na hindi siya dapat ikumpara kina Pacquiao at Trinidad.

"Tito came to a place and greeted everyone and was very well liked," wika ng World Boxing Organization (WBO) welterweight titlist na si Cotto. "But I am not one of those guys who comes and greets everyone. I get to a site and the less people who know me, the better I feel."

Nakatakda ang banggaan ng 30-anyos na si Pacquiao at ng 28-anyos na si Cotto sa Nobyembre 14 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada kung saan itataya ng Puerto Rican ang kanyang hawak na WBO welterweight belt.

Dinadala ni Pacquiao ang 49-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 37 KOs, habang may 34-1-0 (27 KOs) slate si Cotto.

Kapwa taglay nina Pacquiao at Trinidad ang 'aura' na siyang minamahal sa kanila ng mga boxing fans.

"I'm not Felix Trinidad. Miguel Cotto is Miguel Cotto. I'm not going to change. If I were participating in a beauty contest, I should be waving and smiling all day. But I'm a boxer," ani Cotto.

Ang 36-anyos na si Trinidad, may 42-3-0 (35 KOs), ay naghari sa welterweight, light middleweight at middleweight divisions kung saan niya nakabangga sina Oscar Dela Hoya, Bernard Hopkins, Roy Jones, Jr., Pernell Whitaker at Ricardo Mayorga.

Matapos manalo kay Mayorga noong Oktubre 2, 2004 para sa NABC middleweight title via eight-round TKO, natalo naman si Trinidad kina Ronald Wright at Jones noong Mayo 14, 2005 at Enero 19, 2008, ayon sa pagkakasunod, mula sa magkatulad na unanimous decision. (Russell Cadayona)

BERNARD HOPKINS

BUT I

COTTO

EL NUEVO DIA

FELIX TRINIDAD

GRAND GARDEN ARENA

IF I

MIGUEL COTTO

PACQUIAO

PUERTO RICAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with