RP International Marathon para sa Pasig River

MANILA, Philippines - Gaganapin ang Philippine International Marathon para sa layu-ning palawigin ang Pasig River, sa Nov. 8 sa Quirino Grandstand sa Luneta.

Ang 42-km race na tinawag na “A Run for the Pasig River” na bukas sa lahat ng runners, bata o matanda, amateur o elite, ay inorganisa ng ABS-CBN Foundation Inc. sa ilalim ni Gina Lopez.

Ang program, ay karugtong ng “Piso Para Sa Pasig” ni dating First Lady Amelita “Ming” Ramos, ay inilunsad noong Pebrero at may 200 pamilya na nakatira sa gilid ng ilog ang nailipat na sa Calauan sa Laguna.


Show comments