Fil-Am football player gumawa ng pangalan sa US
MANILA, Philippines - Kagaya nina Miami Heat head coach Erik Spoelstra, world flyweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. at professional wrestler Batista, ikinararangal rin ni major football league player Steve Slaton ang pagiging Pinoy.
Maliban kina Tedy Bruschi at Roman Gabriel, gumagawa na rin ng pangalan si Slaton sa National Football League (NFL) para sa koponan ng Houston Texans.
“It’s just something that I’m very proud of and something that is a great heritage,” ani Slaton sa panayam ng Associated Press. “It’s a little unknown, but I appreciate it 100 percent.”
Ang kanyang maternal grandmother na si Rosalina Billingsley ay ipinanganak sa Pilipinas bago nagtungo sa United States matapos makilala si William mula sa pagtitinda ng gulay noong World War II.
“My grandmother, she’s from Manila,” wika ni Slaton. “My grandfather met her in World War II and I guess he fell in love at first sight and brought her over here.”
Ang ina ni Slaton na si Juanita Tiggett-Slaton ay kasalukuyan ring nasa US.
Katulad ng 6-foot-8 na si Batista, ang tunay na pangalan ay Dave Bautista, nagdadala rin si Slaton ng tattoo na Philippine flag sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib.
Naglista si Slaton ng halos 4,000 yards average sa kanyang tatlong taon para sa West Virginia bago napili ng Houston, Texans bilang No. 3 overall sa 2008 NFL Draft.
Nagkaroon ng pagkakataon si Slaton na makapaglaro nang magkaroon ng injury si Ahman Green.
Pinamunuan ni Slaton ang lahat ng NFL rookies mula sa kanyang 1,284 yards at na-ging kauna-unahang 1,000-yard rusher ng Houston sapul noong 2004. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending