Francisco vs Vasquez para sa WBA superflyweight title

MANILA, Philippines - Handa at hindi uurong sa bakbakan si Drian ‘‘Gintong Kamao’’ Francisco sa kanyang pagharap kay dating Panamanian two-time world champion Roberto ‘‘La Arana’’ Vasquez sa Oktubre 3 sa Astrodome sa Pasay City.

Tatangkain ni Francisco na pambato ng Sablayan, Oriental Mindoro at Agoncillo, Batangas na kunin ang World Boxing Associationsuperflyweight international championship laban kay Vasquez sa bakbakang tinawag na Duelos del Guapos: Bakbakan sa Perlas ng Silangan.

‘‘Papunta na po ako sa perpektong kondisyon. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito at ayaw kong biguin ang ating mga kababayan, ‘’ sabi ng 5-foot-5 na si  Francisco.

Itataya ni Francisco ang kanyang malinis na 17-0 (13 knockouts) marka sa labanan sa promosyon na inorganisa ng Saved by the Bell Promotion sa pamumuno ni Batangueño sportsman-businessman Elmer Anuran.

Tiniyak ni Anuran na hindi mabibigo ang mga manonood sa gabi ng laban.

 Ayon kay Anuran, mahuhusay na boksingero rin ang maglalaban sa supporting events.

‘‘Fans will enjoy an  action-filled, blockbuster fight night,’’ diin ni Anuran. ‘‘Drian is going to be tested by a two-time former world champion. The supporting bouts are also exciting.’’

Sumulpot si Anuran sa eksena ng boksing ng talunin niya si Thailander Pitchitchok Singmanassak para sa 2006 World Boxing Organization Asia Pacific flyweight title. Matagumpay niya itong idinepensa kontra kay Thailander  Wanmeechok Singwancha sa first round noong  2007.

Huling laban ni Francisco ang kanyang panalo kay Sharil Fabanyo sa pamamagitan ng TKO sa undercard  ng laban nina Nonito Donaire at Raul Martinez Abril 9 sa Big Dome.

‘‘He fights like a little Luisito ‘‘Lindol’’ Espinosa,’’ ani Anuran.

‘‘Drian hates to lose especially that he’s fighting infront of his countrymen.’’

Dating kampeon ng WBA light-fly at flyweight si Vasquez na tubong San Francisco, Pana-ma.


Show comments